“Magagawa Natin ang Isang Daigdig Kung Saan Bawat Linggo ay Harmony Week,” sabi ni Elder David A. Bednar
Mula sa kahandaan ni Propetang Joseph Smith na ipagtanggol ang mga karapatan ng lahat ng taong may pananampalataya hanggang sa madalas na pakikipag-ugnayan ni Pangulong Russell M. Nelson sa ibang mga lider ng relihiyon, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay may matagal nang tradisyon ng paggalang at pagmamahal sa mga mananampalataya sa lahat ng dako.
Habang ipinagdiriwang ng mga tao sa buong mundo ang World Interfaith Harmony Week (Pebrero 1-7, 2024), sinabi ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol na siya ay “kumbinsido na lahat tayo ay mamumuhay nang mapayapa habang minamahal natin ang Diyos at sinusunod ang “ Golden Rule” – pagtrato sa iba tulad ng gusto nating tratuhin.